Ni BELLA GAMOTEA
Sugatan ang isang siklista na umano’y nagtangkang mamaril ng mga pulis sa Oplan Galugad sa Makati City, kamakalawa ng umaga.
Kasalukuyang nagpapagaling sa Ospital ng Makati ang suspek na kinilala sa alyas na Abon, nasa hustong gulang, na nagtamo ng bala sa katawan.
Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), naganap ang insidente sa Kalayaan Street, Tejeros, Makati City, bandang 10:20 ng umaga.
Sa gitna ng nasabing operasyon, napansin ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 2, kabilang sina PO2 Flores at PO1 Silverio, nang mapansin ang nakabukol sa bewang ni Abon.
Pumidal nang pumidal palayo si Abon kaya hinabol siya ng mga pulis na kanyang pinaputukan.
Dito na nagdesisyon ang awtoridad na barilin ang suspek na naging sanhi ng pagkakasugat nito.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang sumpak na kargado ng bala at tatlong pakete ng hinihinalang shabu.