Ni: Mary Ann Santiago

Halos naaagnas na nang madiskubre ang isang lalaki na palutang-lutang sa Pasig River, na sakop ng Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO2 John Charles Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD) - Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), nadiskubre ng isang concerned citizen ang bangkay ng hindi pa nakikilalang biktima na inilarawang nakasuot ng itim na short pants at may taas na 5’4” hanggang 5’6” sa ilog, na sakop ng Zamora Interlink bridge, sa Sta. Mesa.

Kaagad itong ini-report kay PO3 Lanny Jon Penigeo, ng Philippine Coast Guard (PCG), at iniahon ang bangkay.

National

Ogie Diaz, pinalagan sinabi ni Greco Belgica na hayaan mga 'tunay na lalaki' sa gobyerno

Ayon kay Duran, halos hindi na makilala ang biktima at walang nakitang sugat sa kanyang bangkay kaya pinaniniwalaang ito ay nalunod.