BIBIGYANG-PUGAY si Jamie Rivera ng Star Music sa pamamagitan ng tribute album at major concert.

Ang tatlong dekada sa musika ng OPM icon ay ipagdiriwang sa pamamagitan ng Hey It’s Me, Jamie! tribute album na collection tampok ang ilan sa mga pinasikat na awitin ng Inspirational Diva, at ito ay unang mabibili sa nalalapit niyang concert na may kaparehong titulo at magaganap sa Music Museum sa Setyembre 8 (Biyernes).

Jamie 2 copy

Kabilang sa mga nag-record sa mga awiting isinulat at kinanta ni Jamie ang Kapamilya artists na sina Janella Salvador, Ylona Garcia, Bailey May, Morisette, JC Santos, Juris, Jed Madela, Jona, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Vina Morales, Erik Santos, at Ogie Alcasid bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa local music industry sa loob ng 30 taon.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mayroon ding awitin ang dating Miss Saigon actress na kabilang sa bago niyang album, ang kantang Thank You na inaalay niya sa kanyang mga inspirasyon – para sa kanyang fans, pamilya, at sa Diyos.

Ayon sa OPM singer, nagpapasalamat siya na inabot niya ang tatlong dekada sa industriya, isang milestone na hindi niya inaasahang darating. Labis-labis ang pasasalamat niya para sa pinaghahandaang concert at sa ilulunsad na album.

Laman ng Hey It’s Me, Jamie! compilation ang ilan sa mga pinasikat niyang love songs, ang Hey It’s Me (Janella), I’ve Fallen For You (Ylona and Bailey), Mahal Naman Kita (Morissette), I’m Sorry (Juris), “Awit Para Sa’yo (JC), at Say You’ll Never Go (Yeng).

Kabilang din dito ang mga sumikat niyang komposisyon na Maybe (Jed and Jona) na unang inawit ng Neocolours at ang Kaypalad Mo (Angeline) na unang kinanta naman ni Lilet.

Tampok din sa album ang kanyang hindi makakalimutang inspirational songs na Jubilee Song (Vina at Erik) at We Are All God’s Children (Ogie).

Sina Malou Santos at Roxy Liquigan ang executive producers ng Hey It’s Me, Jamie! album kasama si Jonathan Manalo bilang over-all producer. Mabibili ito sa halagang P250 sa digital stores worldwide simula September 8. Maaari rin itong mabili sa mga record stores pagkatapos ng kanyang show.

Sasamahan si Jamie sa concert nina Jona, Bailey at Janella, ilan sa mga mang-aawit na bahagi ng kanyang bagong album.

Mayroon ding special numbers sina Pinky Amador, Ito Rapadas, Jenine Desiderio, Bimbo Cerrudo, Jason Zamora, Joshua Zamora at Klarisse de Guzman. Si Bond Samson ang musical director at si Paolo Valenciano naman ang stage director ng nasabing Star Events show.

Mabibili na ang tickets para sa Hey It’s Me, Jamie! concert sa halagang P3,500.00 (VIP), P2,500.00 (orchestra), at P1,000.00 (balcony) sa Ticketworld at Music Museum. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook (facebook.com/starmusicph) at sa Twitter at Instagram @starmusicph.