Ni Edwin Rollon

TARGET ng organizers ng 9th Mayor Ramon Bagatsing Memorial Racing Festival na lagpasan ang record gross sales na P43 milyon ng 2014 edition sa mas pinalaki at pinalakas na programa ng itinuturing na premyadong karera sa bansa sa Setyembre 2-3 sa Manila Jockey Club, Inc. sa Carmona, Cavite.

bagatsing copy

Ipinahayag ni Manila Congressman Amado Bagatsing na kabuuang 21 sa planong 23 races ang kasado na sa handicapping, tampok ang Challenge Cup kung saan hahamunin ang kakayahan ng bagong ‘Triple Crown’ champion Sepfourteen.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“Lahat ng karera natin ay siguradong aabangan ng Bayang Karerista. Our handicapper proposed 30 races and from there we trimmed down to top 24. Right now, kumpleto na yung 21 racing programa natin,” pahayag ni Bagatsing sa isinagawang media launching kahapon sa Passion restaurant ng Resorts World Hotel.

“All our races has stakes of P300,000 up to P1.2 million. May ibibigay din tayong incentives sa ating mga winning jockeys, trainors at siyempre sa mga owners na ngayon pa lang ay pinasasalamatan na natin dahil sa patuloy nilang pagsuporta sa ating programa,” sambit ni Bagatsing.

Tinaguriang ‘UNITY: Race as One’, ang Bagatsing Cup ay isinusulong upang mapantayan ang tagumpay ng Grand Copa de Manila, na binuo at ginabayan din ng dating Manila Mayor noong dekada 70.

Bukod sa pagpapatuloy sa ‘legacy’ ng Bagatsing Cup, ilalarga ang karera upang masustinahan ang pagtulong sa KABAKA Foundation na kinikilala rin charity institution ng Philippine Charity Sweepstakes Office at Philippine Red Cross.

“Nagpapasalamat kami sa Bagatsing family sa patuloy na pagsuporta sa industriya ng karera, gayundin sa layunin ng KABAKA na patuloy pong nagsisilbi sa ating mga kapus-palad na kababayan,” sambit ni KABAKA president Atty. Ed Francisco.

Kabilang sa corporate sponsors ngayong edisyon ang PCSO, PHILRACOM, Resorts World Manila, Solaire Resort and Casino, MJCI, City of Dreams, Tiger Resorts & Leisure, EEG Development Corporation at SMART Communication.

Iginiit ni Bagatsing na bilang patunay sa layuning pagkakaisa, maging ang grupo ng Manila Cockers Club (MCC) ay nakibahagi sa programa ng Bagatsing Festival.

“Yung mga kapatid natin sa industriya ng sabong, kasama natin ngayon. Patunay ito sa ating layuning pagkakaisa,” sambit ni Bagatsing.