Ni NORA CALDERON

KOMPORTABLE ang Korean actors na sina Alexander ‘Xander’ Lee at Kim Jung Wook (David Kim) sa Kapuso stars nang mag-promote sila sa Sunday Pinasaya para sa kanilang romantic-comedy series na My Korean Jagiya.

Xander David Alden copy

Sa rehearsal pa lamang, nag-enjoy na sila nang ma-meet ang ibang cast ng variety show at si Alden Richards at nakapagpa-picture with him na tinuruan pa nila ng Korean heart sign.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ipinost agad ito ni @xander0729 sa kanyang Instagram account at umani agad ng maraming likes lalo na sa caption niya na: “Some @gmanetwork staffs said Alden and I have a similar vibe. (Probably some hot nice vibe LOL). What about just like the drama The Half Sisters, we make one called The Half Brothers? Can I play @theatolentino Thea’s role? So I can finally unleash my inner evil. #MyKoreanJagiya #SundayPinaSaya #Xander #KimJungWook #AldenRichards #HalfBrothers #ImTooPureToBeAVillain #JustKidding.”

Hmmm, napanood kaya ni Xander ang The Half Sisters?

Samantala, mauunang bumalik ng Korea si David dahil tapos na ang mga eksena niya rito. Gumaganap siya bilang older brother ni Kim Jun Ho (Xander) at maiiwanan kay Jun Ho ang pag-aalaga sa anak nitong si Pao Pao (Khane dela Cruz).

Kaya matagal pang magti-taping dito si Xander at dito rin magsisimula ang love story nila ni Gia (Heart Evangelista).

Hindi kami magtataka kung mag-guest din si Xander sa iba pang shows ng GMA habang narito siya.

Nagpapasalamat naman ang buong cast, si Direk Mark Reyes at production staff ng My Korean Jagiya dahil sa gabi-gabi nilang pagti-trending sa Twitter, nationwide at worldwide. Meaning, marami talagang netizens ang hooked sa K-dramas.

Noong pilot episode nila, masipag ding nag-tweet ang buong cast na huminto muna sa taping para sabay-sabay nilang panoorin ang serye habang may pa-dirty ice-cream party rin si Direk Mark sa kanila.