MAAGANG nakabangon ang defending champion St. Clare College sa opening day jitter nang pabagsakin ang Philippine Merchant Marine School, 98-67, nitong Martes sa NAASCU men’s basketball tournament sa RTU gym.
Nanalasa si last year’s MVP Aris Dionisio sa nakubrang 22 puntos para bigyan nang ayuda ang kampanyang back-to-back title ng Saints sa 17-team competition.
Nag-ambag si Earvin Mendoza ng 19 puntos, habang tumipa si Mohamed Pare ng 12 puntos at 11 rebounds.
Malamya ang simulang kampanya ng Saints nina NAASCU head Dr. Ernesto Jay Adalem at coach Jino Manansala, nang gapiin sila ng Philippine Christian University Dolphins sa overtime noong Huwebes.
Ang panalo ng PCU ay maagang katuparan sa ipinangako ng beteranong coach na si Ato Tolentino, consultant ng PCU.
Sa iba pang laro, pinadapa ng Rizal Technological University ang City University of Pasay, 90-74, habang dinomina ng De Ocampo Memorial College ang Holy Angel University, 101-67.
Iskor:
(Unang Laro)
SCC (98) -- Dionisio 22, Mendoza 19, Rebugio 12, Pare 12, Alcober 8, Palencia 7, Catura 5, Puspus 4, Principe 4, Hallare 3, Rubio 1, Fuentes 1.
PMMS (67) -- Matillano 12, Hilario 7, Morante 6, Bernardo 6, Manatad 6, Andrade 5, Manaog 4, Mascardo 3, Sunga 2, Gilbero 2, Bandalan 2, Javier 2
Quarterscores: 29-18, 53-30, 82-48, 98-67
(Ikalawang Laro)
RTU (90) -- Tabi 17, Reyes 16, Liquinan 13, Bangeles 12, Estoce 11, Tilos 8, Flores 7, Señires 4, Redondo 2.
CUP (74) -- Erice 25, Aquino 18, Gatchalian 11, Villagomez K. 9, Celestino 4, Telpo 4, Villagomez C. 0, Acidre 0, Catarbas 0, Dela Cruz 0.
Quarterscores: 17-17, 43-36, 71-53, 90-74.