Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

5 pm -- CEU vs Cignal HD

MALINAW na ang kapalaran ng Cignal HD, ngunit kailangan nilang maisaayos nang todo ang opensa para makumpleto ang sweep kontra Centro Escolar University sa Game 2 ng kanilang best-of-three championship match ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Kahit wala ang big man na si Reymar Jose na bahagi ng GilasCcadets na kasalukuyang lumalaban sa Southeast Asian Games, nagawang dominahin ng Hawkeyes ang Scorpions sa Game 1 nitong Martes, 78-56.

Pinangunahan ni Jayson Perkins ang nasabing tagumpay sa ipinosteng 16 puntos at 11 rebounds.

“Right now I’m happy my players stepped up their game today. Hopefully we can be consistent. Winning Game One is a good motivation for us,” pahayag ni coach Boyet Fernandez.

Gayunman, sa kabila ng kanilang taglay na 1-0 bentahe sa serye, hindi makampante si Fernandez dahil sa aniya’y subok ng kapasidad ng CEU na makabangon.

Nabalewala ang impresibong laro ni Congolese big man Rod Ebondo sa Game 1 nang pangunahan ang CEU wsa natipang 27 puntos, 17 rebounds, at dalawang blocks.

Iskor:

CIGNAL HD 78 - Villarias 17, Perkins 16, Bringas 13, Sumalinog 11, Batino 8, Uyloan 6, Sara 4, Raymundo 3, Apinan 0, Arboleda 0, Arong 0, Belencion 0, Cahilig 0.

CEU 56 - Ebondo 27, Guinitaran 10, Aquino 6, Manlangit 4, Jeruta 3, Arim 2, Saber 2, Uri 2, Casiño 0, Cruz 0, Fuentes 0, Intic 0, Wamar 0.

Quarters: 24-11, 39-25, 59-43, 78-56.