Ni REGGEE BONOAN

“AFTER six years, three courses, nine semesters, one reality TV show, twelve teleseryes and over fifty television shows – I’m finally here today. To be honest, I never thought I’d see this day coming. After numerous struggles that came my way, there were several times where I doubted myself, cried and just wanted to give up. But despite the overwhelming odds against me, someway and somehow I made it with the help of God, my family, friends, professors, classmates and workmates. Like they say… the struggle is real but it’s all worth it. Who would have thought that I would get this far?”

mrtyle_pakibura ang product sa kamay copy copy

Ito ang unang paragraph sa mahaba at nag-viral na post ni Myrtle Abigail P. Sarrosa, nang nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Broadcast Communication -- Cum Laude sa University of the Philippines-Diliman.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Hindi lang ang buong pamilya ni Myrtle ang tuwang-tuwa sa achievement niyang ito kundi maging ang vice president for marketing at owner ng Megasoft Hygienic Products na si Ms. Aileen Choi-Go.

Tatlong taon nang ambassadress ng Megasoft si Myrtle para sa Sisters Napkin at iba pang produkto at muling ni-renew dahil tuluy-tuloy ang pagtaas ng kanilang sales.

Number one slot na ngayon ang Sisters Napkins dahil bukod sa de-kalidad na materyales ay affordable pa ng masa lalo na ang mga estudyante.

Ngayong natapos na ni Myrtle ang kanyang kurso, “Gusto ko pong pumasok into broadcasting or hosting, pero sa ngayon ay tinatanggap ko na po ‘yung mga opportunities na hindi ko natanggap dati pa kasi gusto ko ituluy-tuloy talaga ‘yung acting, hosting and performing. So sana tuluy-tuloy po.

“Fifth year ko na po sa ABS-CBN after Pinoy Big Brother,” saad pa ng dalaga.

Sa tatlong taong pagiging endorser ng Sisters ni Myrtle ay hindi biro ang naging struggles niya sa pag-aaral na isinabay pa ang showbiz kaya tinanong ang may-ari ng Megasoft kung hindi ba naging sagabal sa takbo ng business nila ang schedule ng dalaga at kung nagagampanan ba nito ang trabaho lalo na sa out of town campaigns. Halos buwan-buwan pa naman nilang nililibot ang iba’t ibang probinsiya ng Pilipinas.

“Actually, ang priority talaga namin even if she’s not our endorser ‘yung schedule niya talaga. Kasi ang pangit naman na kinuha namin siya as endorser ‘tapos ‘yung objective is to inspire ‘yung kabataan. Ayaw naming sabihin na, ‘Oy Myrt, absent ka muna kasi may show tayo’. Hindi puwede ‘yung ganu’n at talagang inuuna namin ‘yung sa kanya. Wino-work out around namin ang schedules namin for her, ina-adjust talaga namin kasi ang pinaka-priority talaga namin ay hindi siya puwedeng um-absent sa school kasi lalo na she’s running for cum laude,” paliwanag ni Ms. Aileen.

Ang suwerte ni Myrtle dahil hindi demanding sa oras niya si Ms. Aileen bagkus ay inaalalayan pa siya. Wala kaming alam na ibang kompanya na may ganitong patakaran.

Hindi kataka-taka kung naging number one man ang produkto ng Megasoft dahil bukod sa mabait ang mga may-ari ay marami pa silang adbokasiya, ang dahilan kung bakit nililibot nila ang mga eskuwelahang matindi ang pangangailangan ng school supplies.

Samantala, pagkatapos ng Q and A ng presscon para sa renewal of contract ni Myrtle ay personal siyang natanong ng reporters tungkol sa di-sinasadyang pagkikita nila ng kanyang ex-boyfriend na si Brian Poe Llamanzares sa premiere night ng pelikulang Woke Up Like This noong Lunes ng gabi.

Si Brian ay anak ni Senator Grace Poe at sinuportahan niya ang tita niyang si Lovi Poe, ang lead female cast ng pelikula. May cameo role naman si Myrtle at sinuportahan ang rumored boyfriend niyang si Joel Ferrer, ang direktor ng pelikula – pero kaagad itong itinanggi ng dalaga.

“Ay, hindi, kasi siya ‘yung direktor ko sa Wattpad, AFGITMOLFM. Dalawang projects kami nagkasama, so sobrang close namin. Pero, no, hindi siya nanliligaw sa akin.

“’Yung manliligaw ko,” na nabanggit niya sa open forum, “hindi po siya showbiz at all and hindi rin siya businessman.

He is a cosplayer sa ibang bansa, sa US. He’s a Pinoy pero American citizen siya. Gusto na naming i-keep ‘yun sa sarili namin kasi baka ma-jinx kasi ‘pag ikinukuwento sa iba.”

Going back to Brian, inamin ni Myrtle na nagulat siya nang makita ang ex-boyfriend na simula nang maghiwalay sila dalawang taon na ang nakararaan ay hindi na niya nakita o nag-usap. Nabanggit din naman ng dalaga noon pa na bad break-up ang nangyari sa kanila.

“First time naming nagkita after nu’ng break-up, hindi ko nga ini-expect na magkikita kami du’n. Nangyari ‘yun kagabi, kasi nag-cameo role ako for the movie Woke Up Like This.

“Nagkataon lang na pagdating ko du’n, si Brian nandu’n. Actually, hindi ko siya nakita nu’ng una, bigla na lang pagtalikod ko, nandun siya, so nag-hi lang kami sa isa’t isa,” kaswal na kuwento ng dalaga.

Wala naman daw pagkailang na naramdaman ang dalaga.

“Hindi naman, I think it’s because pareho kaming naka-move on na. Nakakatawa lang minsan ‘yung fate, kasi nagkataon pa na magkatapat ‘yung seats namin, nasa likod ko lang siya.

“Siguro, if we’re not okay, hindi namin pareho makakayanang mag-hi sa isa’t isa. But ilang years na rin, magtu-two years na yata. Parang if you’ve moved on, kaya ninyo tingnan ang isa’t isa na walang bitterness,” pahayag ng dalaga.

At dahil okay na si Myrtle ay okay lang daw na maging friends sila.

“Yes, of course, okay lang ako na maging friends with him,” napangiting sabi ng aktres.