Ni: Fer Taboy

Kinasuhan kahapon ng illegal possession of firearms and explosives si Kolambogan, Lanao del Norte Mayor Lorenzo Mañigos at apat na security escort nito, sa piskalya ng Ozamiz City, Lanao del Sur.

Ayon kay Chief Insp. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police Office (OCPO), naaresto ang mga suspek sa checkpoint ng pulisya makaraang mahulihan ng mga armas si Mayor Mañigos kasama ang apat na tauhan nito, na nakumpiskahan ng tatlong granada, dalawang .45 caliber pistol, at dalawang .9mm pistol na pawang expired na ang mga dokumento.

Mayroon din umanong koneksiyon si Mañigo sa wanted ngayong si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, batay sa impormasyong nakuha mula sa cell phone ng alkalde.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito