NI: Liezle Basa Iñigo

AGUILAR, Pangasinan – Natagpuang wala nang buhay at nakatali ang mga kamay ng isang lalaki sa Barangay Bocboc West sa Aguilar, Pangasinan.

Dakong 10:30 ng gabi nitong Martes nang matagpuan sa tulay ng Bocboc ang biktimang tadtad ng bala sa katawan, nakasuot ng itim na pantalon at gray t-shirt, may tattoo sa kaliwang dibdib, nasa edad na 40-45, 5’3”-5’5” ang taas, at semi-kalbo ang gupit.

Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng pagpaslang at ang pagkakakilanlan ng biktima at suspek.

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!