NI: Mary Ann Santiago

Hindi nakaligtas sa rumaragasang baha ang nakaparadang van malapit sa Marikina River sa Barangay Barangka, Marikina City kahapon.

Rescuers try to remove trash clinging to the submerged vehicle at the Swelling Marikina River on Tuesday. Photo by Jansen Romero
Rescuers try to remove trash clinging to the submerged vehicle at the Swelling Marikina River on Tuesday. Photo by Jansen Romero

Sa ulat ng Marikina City Police, inanod ng tubig, mula sa umapaw na ilog, ang Toyota Lite Ace na nakaparada malapit sa Marcos Highway Bridge, bago mag-9:00 ng umaga.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Una rito, itinaas ang Alert Level 2 sa Marikina River nang umabot sa 16 na metro ang water level nito, bandang 8:23 ng umaga.

Ito ay nangangahulugan ng paglikas para sa mga residenteng naninirahan sa ilog dahil sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.

Hindi agad naialis ng may-ari ng van, si July Tanghal, residente sa lugar, kaya nang magpatuloy ang pag-apaw ng tubig sa ilog ay tuluyan na itong inanod.