Ni REGGEE BONOAN

NANGGULAT na naman si Sylvia Sanchez nang magkaroon ng story conference nitong nakaraang Lunes para sa bago niyang teleserye sa unit ni Ms. Ginny M. Ocampo (GMO unit) na hindi pa binanggit ang titulo.

Ilang araw na namin siyang tinatanong kung ano ang next soap drama niya, at ang parating sagot niya, “Wala pa, La Luna Sangre pa lang, pero alam ko magkakaroon.”

SYLVIA AT ARJO AT TEAM GMO copy

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Nakukulitan na yata sa amin si Ibyang kaya may text messages kaming hindi niya sinasagot -- dahil may nabalitaan kami na magsasama raw sila ng anak niyang si Arjo Atayde.

Nanggulat dahil ang alam namin ay nasa Balesin Island ang buong pamilya Atayde nitong long weekend, pero kinahapunan ng Lunes ay biglang nag-post ng litrato ang aktres na nasa storycon siya.

Kaagad naming pinadalhan ng mensahe kung, ‘tuloy na show? Ito ‘yung kasama Arjo?’

Mabilis namang sumagot si Ibyang, “Yes, tuloy na soon.”

Follow-up question namin, anong titulo? “Wala pa, bawal pa isulat.”

Ano ang papel ninyo ni Arjo? “Mag-ina kami,” tipid na sagot.

Ano ang kuwento? “Bawal nga sabihin, basta mag-ina kami.” Sabay sabing, “Sobrang saya na kabado kasi magdadramahan kaming mag-ina.”

Dito na nagtapos ang palitan namin ng mensahe ni Sylvia.

Finally, matutupad na ang matagal nang pangarap nina Ibyang at Arjo na makatrabaho ang isa’t isa sa heavy drama.

Bagamat nagkaroon naman na ng pagkakataong magsama ang mag-ina sa Pure Love, cameo role lang ang aktres.

Palaging sinasabi ni Ibyang na gusto niyang gumanap sila ni Arjo, at pati na rin si Ria, sa Maalaala Mo Kaya pero hindi pa nangyayari. Iyon pala, mas malaking project ang inihanda para sa kanila.

Nagkaroon na rin ng look-test pagkatapos ng story conference, base na rin sa mga litratong ipinost ni Ibyang sa social media.

As of press time ay wala pang binabanggit kung kailan ang taping at kung kailan ang target airing.

Pawang pagbati ang nabasa naming komento sa mga ipinost ng aktres at marami ang nagsabing, “Sana sa primetime naman para mapanood namin.”

Oo nga, karamihan din naman kasi ng fans ni Ibyang ay nag-oopisina kaya ‘yung mga sumubaybay sa The Greatest Love ay napupuyat dahil pagdating ng bahay palang nila napapanood sa iWantTV.