NI: PNA

SA pagbisita kamakailan ng grupo mula sa Ilocos Norte Provincial Public Safety Command (INPPSC) sa bayan ng Abkir sa Laoag City, kasama ang mga kapwa nila awtoridad mula sa munisipalidad upang itaguyod ang kapayapaan at kampanya kontra terorismo sa baryo, nakasalamuha nila ang mga residente sa lugar at nagkaloob ng pagkain sa 21 mag-aaral ng Abkir Child Development Center.

Bilang bahagi ng pagtataguyod ng kapayapaan sa mga lokal na komunidad, nagsagawa ng outreach program ang Community Action Team sa ilalim ng Ilocos Norte Provincial Public Safety Command, na pinangunahan ni Supt. Amador Quiocho, ang company commander.

Ayon kay Sergeant Noel Abad, hepe ng Police Community Relations (PCR) ng INPPSC, layunin ng proyekto sa pagpapakain at pahahandog ng tulong na pagtibayin ang samahan ng mga lokal na komunidad laban sa banta ng terorismo.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dalawang taon nang isinasakatuparan, nagsasagawa ng feeding program ang police community action team kasabay ng pagdaraos ng pulong kasama ang mga magulang at mga lokal na opisyal, kung saan tinatalakay ang seguridad ng publiko.

Nagmula ang pondo sa iba’t ibang fundraising activities na pinasimulan ng INPPSC-PCR gaya ng fun run, mga raffle draw at shoot fest.

Sinabi ni Abad na umaasa silang mapapanatili ang programa at makatutulong pa sa mas maraming bata sa lugar.

“We like to serve them quality food, something that we know they like to order if they are near the city. Aside from the fact that it is more convenient for us to just buy and take out from the store, it is also an opportunity for children in remote villages to experience and taste food which is only available in the city,” lahad ni Abad.

Binigyang-diin din niya ang katotohanan na ang pulisya ay hindi dapat tingnan ng mga bata bilang kaaway kundi bilang tagapagtanggol o kaibigan.

Umapela rin siya sa mga magulang at matatanda sa baryo na huwag silang ipakilala o ipanakot bilang ‘masamang pulis’ tuwing magkakamali ang mga anak.

Bukod sa pagpapakain at pamimigay ng mga gamit sa eskuwelahan sa mga piling bata, ang bawat magulang o tagapangalaga ay nabigyan din ng mga itatanim na binhi bilang bahagi ng proyektong “share a tree” ng INPPSC.

Sa halip na magsagawa ng tree planting program, ayon kay Abad, mas nais nilang mamigay sa mga residente ng mga binhing maitatanim at hayaan silang patubuin ito sa kani-kanilang bakuran.

“That way, we are sure the plants that we give are properly nurtured and they will always remember by heart, who gave it to them,” saad ni Abad.