Ni: Genalyn D. Kabiling

Naghahanap si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na may integridad at dedikasyon matapos mawala sa kanyang Gabinete si Judy Taguiwalo.

Aminado ang Pangulo na dismayado siya sa pagbasura ng Commission on Appointments’ (CA) sa appointment ni Taguiwalo ngunit wala siyang magagawa.

“I do not know who voted for and who was against Taguiwalo and that is the job of Congress as part of the checks and balances in this government,” aniya sa press conference sa Malacañang nitong Lunes ng gabi.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sinabi ni Duterte na “sayang” si Taguiwalo, na inilarawan niyang “really bright.”

Itinalaga ng Malacañang si Emmanuel Leyco bilang officer-in-charge ng DSWD. Siya ay kasalukuyang undersecretary for finance and administration ng ahensiya.