HONG KONG (AP) – Isang malakas na bagyo ang nanalasa sa Hong Kong kahapon, nagdulot ng pagsara ng mga opisina, eskuwelahan, baha sa kalsada, pagkawasak ng mga bintana, at pagkakansela ng daan-daang flights.

Tumama si Typhoon Hato sa may 60 kilometro ng Hong Kong, malapit sa itinuturing na direct hit sa ilalim ng storm warning system ng estado. Itinaas ang No. 10 hurricane signal, ang pinakamataas na antas, sa unang pagkakataon sa loob ng limang taon.

Pagsapit ng tanghali, taglay ni Hato ang maximum sustained winds na 126 km kada oras, na may bugsong umaabot sa 207 kph sa ilang outlying islands.

Palabas na si Hato sa timog ng Hong Kong at inaasahang tatama sa Guangdong province ng China. Libu-libong katao na ang lumikas sa ilang lugar sa mainland coast bago ang pagdating ng bagyo, iniulat ng Xinhua News Agency ng China.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'