Ni NITZ MIRALLES
NABASA namin ang pakikipagsagutan ni Direk Jason Paul Laxamana, director ng 100 Tula Para Kay Stella sa ilang netizens na nanood ng naturang entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Prangkahang sinagot ni Direk Jason ang mga ipinunto ng netizens.
Sa nag-comment na bakit naman nito susuportahan ang pelikula ng isang director na sumusuporta sa masyado nang kontrobersiyal na war on drugs ng gobyerno, ang sagot ng director, “Let’s see what your little campaign can do.”
Sumagot uli ang netizen ng “Probably not much. But that’s fine.” Sagot ni Direk Jason, “Probably? More like certainly.”
Sa nag-comment na maraming plot holes sa ending, ang sagot ni Direk Jason, “Sige nga. Enumerate.”
Aliw din ang sagot ni Direk Jason na, “Only a few of you apparently” sa nag-comment na, “Am I the only one who found the poems in 100 Tula Para Kay Stella ( and the movie itself) cringe-worthy? The actors had zero chemistry too.”
Ikinorek naman ni Direk Jason ang wrong grammar ng netizen na nag-comment ng, “Did I just watched 100 Tula Para Kay Stella or (500 Days of Summer: Pinoy Ripoff Edition? Overhyped indie film.” Sabi ni Direk Jason, “Did I just watch” past tense na ‘yung ‘did’ so mali na ‘pag past tense pa ‘yung watch. Overhyped intelligence.”
Sa tanong ng netizen kung puwede niyang mabawi ang kanyang P220.00, ang sagot ni Direk Jason, “Of course not. You don’t eat at Jollibee then ask for your money back.”
Anyway, ang 100 Tula Para Kay Stella ang nanalo ng People’s Choice sa Pista ng Pelikulang Pilipino. In-announce ito sa thanksgiving party ng PPP. Ang Birdshot ang nanalo ng Critic’s Choice Award at ang Patay na si Hesus naman ang nanalo ng Special Jury Prize.
Samantala, nagpasalamat si Bela Padilla sa pamamagitan ng Instagram sa mga sumuporta sa kanila ni JC Santos sa 100 Tula Para Kay Stella.
“Nakakaiyak. Nakakatuwa. Nakakataba ng Puso. Maraming salamat, mga beshie!” Ibinalita ni Bela na sa loob ng six days, kumita ng P80M ang pelikula nila ni JC.