TAIPEI – Naibsan ang kalungkutan ng Team Philippines nang maisalba ni tennis phenom Marian Capadocia ang kampanya sa women’s tennis ng 29th Summer Universiade dito.

Binokya ni Capadocia, dating RP No.1, ngunit ibinasura sa National Team bunsod ng hidwaan sa isang opisyal ng Philta, si Kripa Sharma ng Nepal, 6-0, 6-0.

Sunod na makakaharap ni Capadocia, nagsanay sa Amsterdam sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC), si No. 2 seed Victoria Rodriguez ng Mexico, nagwagi kontra Barbara Volk ng Slovenia, 6-1, 6-0.

“We’re hoping for the best for our tennis players,” pahayag ni coach Antonio Quiza.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Marian played very well against her Nepalese opponent. But there’s a lot of hard work to do beginning in her third-round match against Rodriguez,” aniya.

Napasama rito bilang pambato ng Arellano University, naitala ni Capadocia, three-time PCA champion, ang 19 aces sa kabuuan ng torneo.

Nakakuha rin ng bye ang 19-anyos na si Sharyl de los Santos ng Trinity College-general Santos City at masusubok sa second round kontra No. 12 seed Irina Ramialidon ng France.

Nabigo naman si Jeleardo Amazona ng National University kay Alonso Delgado ng Mexico, 2-6, 1-6, gayundin si Wilmer Sabas ng Arellano kay Lucas Poullain ng France, 0-6, 1, 6-0,1-6, samen’s singles.