NI: Fer Taboy

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang menor de edad na babae na natagpuang sunog at may 16 na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan, sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO), mistulang hayop na itinapon lang ang bangkay ng biktima sa liblib na bahagi ng Barangay Agusan Puerto sa Cagayan de Oro.

Sinabi ni Chief Insp. Ian Borinaga, hepe ng Puerto Police, na walang residente sa lugar na nakakakilala sa biktima.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Pinaniniwalaang ginahasa ang biktima bago pinagsasaksak at sinunog dahil hubo’t hubad ito.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay mahaba ang buhok, balingkinitan at may taas na 5’5”.