NI: Niño N. Luces

CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Paulit-ulit na tinaga ng isang 74-anyos na ama ang anak niyang 39-anyos habang himbing na natutulog sa kanilang bahay sa Daraga, Albay kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay Police Provincial Office, ang ang suspek na si Nelson Cimanes y Mapa, habang ang biktima ay si Ramil Climanes y Mendoza, 39, may asawa at isang obrero, parehong residente ng Purok 4, Barangay Bañag, Daraga, Albay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang 5:45 ng umaga nang pumasok ang suspek sa bahay ng noon ay natutulog na anak at paulit-ulit na tinaga, na kaagad ikinamatay ng biktima dahil sa mga natamong sugat sa katawan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Ayon sa suspek, ginawa niya ang krimen matapos siyang ilang beses na pagbantaan ng anak na papatayin nang magtalo sila. Inakusahan umano ng suspek ang biktima na gumagamit ng ilegal na droga.

“Drug user daw po ‘yung anak, binantaan ‘yung ama na papatayin, inunahan na. Lulong daw po sa bawal na droga ‘yung biktima,” sabi ni Gomez.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.