NI: Fer Taboy

Nailigtas ng militar ang isang Vietnamese, na siyam na buwan nang bihag ng Abu Sayyaf Group (ASG), sa Mataja Island sa Basilan nitong Linggo.

Do Trung Huie copy

Kinilala ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang dayuhan na si Do Trung Huie, tripulante ng MV Royal 16, na dinukot noong Nobyembre 11, 2016 sa Coco Island, Basilan.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ayon sa Joint Task Force Basilan, nailigtas ang Vietnamese sa kasagsagan ng matinding opensiba ng militar laban sa mga bandido, kaya napilitang tumakas ang mga ito.

Dinala sa ospital ang biktima para sa check-up at isasailalim sa debriefing bago iturn-over sa mga awtoridad ng Vietnam.

Noong nakaraang linggo lamang ay na-rescue rin ng Joint Task Force Basilan sa Tapiantana, Basilan ang Pilipinong bihag ng Abu Sayyaf na si Edmundo Ramos, na dinukot ng mga bandido, kasama ang tatlong iba pa, noong Hulyo 16, 2017 sa Sulu.