Pinoy gymnasts, nag-ambag sa kampanya ng RP Team sa SEAG.

KUALA LUMPUR – Nasundan ang impresibong double gold sa triathlon ng atkletang Pinoy – sa pagkakataon ito mula sa kahanga-hangang galaw, diskarte at timing nina Kaitlin De Guzman at Reyland Capellan -- sa gymnastics event nitong Martes sa 29th Southeast Asian Games dito.

Philippines Kaitlin De Guzman bags the Gold medal for Women's Uneven Bars in Gymnastics at the 2017 Seagames in Kuala Lumpur, Malaysia.(photo by ali vicoy)
Philippines Kaitlin De Guzman bags the Gold medal for Women's Uneven Bars in Gymnastics at the 2017 Seagames in Kuala Lumpur, Malaysia.(photo by ali vicoy)

Dumagundong ang hiyawan mula sa maliit na crowd na binubuo ng mga migranteng Pinoy at Overseas Filipino Workers (OFW) na dumagsa sa Malaysia International Trade and Exhibition Center nang tanghaling kampeon sina De Guzman sa artistic gymnastics at Capellan men’s apparatus event.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bunsod ng panalo, nahila ang hakot sa gintong medalya ng Team Philippines matapos ang ikalawang araw ng kompetisyon sa limang gintong medalya mula sa double gold sa triathlon nina Nikko Huelgas at Kim Mangrobang nitong Lunes at panalo ni Mary Joy Tabal sa women’s marathon nitong Sabado.

Tangan ang anim pang silver at anim na bronze, nanatili ang Team Philippines sa ikaanim na puwesto sa overall medal standings.

Nangunguna ang Malaysia na may kabuuang 66 medalya tampok ng 30 ginto, 22 silver at 14 bronze medal, kasunod ang Singapore (13-14-13/40) at Vietnam (9-8-11/ 28) para sa top three.

Umarya ang Malaysian sa dominayon sa gymnastics kung saan nakamit nila ang women’s team title sa iskor na 200.950 at tuldukan ang dominasyon ng Singapore. Binubuo ang koponan nina Farah Ann Abdul Hadi, Lavinia Michelle, Nur Azira Aziri, Nur Eliellina Azmi, Tan Ing Yueh at Tracie Ang.