TAIPEI – Bigo sa kanilang marka ang Pinoy archers sa unang araw ng kompetisyon sa archer kung saan naitala ng South Korean beauty ang bagong world record sa Universiade dito.
Nabigo ang tatlong panlaban ng bansa sa round-of-24 sa women’s recurve individual sa Taiwan State University archery range.
Natalo si Cebu pride Zena Hendra Chomapoy kay Alexandra Longova ng Slovakia, 4-6. Nabigo ang 19-anyos na masundan ang 6-2 panalo kontra Magdalena Smialkoska ng Poland sa elimination round.
Hindi rin nakausad ni Loren Chloe Balaoing nang mabigo kay Loredana Spera ng Italy, 2-6, gayundin si Shanaya Rose Dangla kontra Alexandra Mirca ng Moldova, 0-6.
Naitala ni Choi Mi-sun ng South Korea ang bagong world record sa naiskor na 687 puntos para pangunahan ang ranking round. Nalagpsan niya ang dating record na 686 na nagawa ng kababayang si Ki Bo-bae noong 2015 Universiade sa Gwangju.