KUALA LUMPUR – Nadiskaril ang target ng Perlas Pilipinas nang magtamo ng 78-68 kabiguan kontra Indonesia nitong Lunes ng gabi sa women’s basketball tournament ng 2017 Southeast Asian Games sa MAPA Stadium.

Matikas na nakihamok ang Perlas sa kaagahan ng laro at nagawang makontrol ang bentahe sa mahigit 12 puntos. Ngunit, hindi nakabawi ang Perlas sa ratsada ng Indons sa kalagitnaan ng third period at tuluyang naghabol sa huling 10 minuto.

Matapos ang impresibong opening game win kontra Singapore, 88-54, bumagsak ang Filipinas sa 1-1 karta, habang nasungkit ng Indonesia ang ikalawang sunod na panalo.

Nanguna si Allana Lim sa Perlas sa naiskor na 15 puntos, habang kumana si Camille Sambile ng 14 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!