Ni: Francis T. Wakefield
Nasa 80 sundalo at pulis ang ipinadala sa Marawi City sa nakalipas na linggo, upang simulan na ang paglilinis sa marurumi at sira-sirang kalye ng lungsod.
Bitbit ang mga walis tambo, grass cutters, bolo, at white wash (para sa pagpipintura), rumonda ang mga awtoridad sa mga kalye ng Marawi na idineklara nang ligtas laban sa Maute Group.
Tinawag na “Kaplimpiyo tano ko Kalilintad (Maglinis tayo para sa Kapayapaan)”, ang mga kalsada sa mga barangay ng Emie, Matampay, Sarimanok, Marawi at Malalat ang mga target sa isinagawang paglilinis, sa pangunguna ng Joint Task Force Tabang, sa pamumuno ni Col. Thomas Sedano.
Sa paggamit ng mga Civil Military Operations unit, matagumpay na nalinis ng grupo ang mga naiwan ng kaguluhan matapos na salakayin ng Maute at wasakin ng labanan ang siyudad simula noong Mayo 23.
“We will do it little by little since we lack manpower for the purpose, however, we will make sure that these streets will not look as grubby and filthy as how it appeared to be before we started cleaning up,” sabi ni Sedano. “Our primary intention is to avoid an epidemic that could plague our communities by the time residents of Marawi will be allowed to come back