Ni: Bella Gamotea

Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang nawawalang 7-taong gulang na Pilipinong batang lalaki ay kabilang sa 14 katao na namatay sa pag-aaro ng van sa Barcelona, Spain nitong Huwebes.

Sa ulat na natanggap ng DFA mula kay Chargé d’Affaires Emmanuel Fernandez, ambassador ng Embahada ng Pilipinas sa Madrid, positibong kinilala ng kanyang amang British ang natagpuang patay na 7-anyos na bata na unang naiulat na nawawala matapos mapahiwalay sa kanyang inang Pinay, na kabilang sa mahigit 100 sugatan sa terrorist attack sa pamosong tourist spot sa Las Ramblas.

Nagtungo ang mag-ina sa Barcelona upang dumalo sa kasal ng pinsan na galing pa ng Pilipinas.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“It pains us to break the sad news to our kababayans that we lost one of our own in the recent violence unleashed by extremists against the innocent in Barcelona,” pahayag ni DFA Sceretary Alan Peter Cayetano.

“We join the loved ones of our little brother in mourning his passing and in praying for the eternal repose of his soul.”

Ayon pa sa DFA, nanatili sa intensive care unit ng isang lokal na ospital doon ang ina ng bata dahil sa tinamong fractures sa hita at braso.

Nasugatan din sa insidente ang apat na miyembro ng isang pamilyang Filipino-Irish na galing ng Ireland at bumibisita sa Barcelona.