Binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko sa mas matagal na biyahe at pagmamaneho sa Quezon City dahil sa ginagawang Metro Rail Transit (MRT)-7 sa Commonwealth Avenue na nagsimula na ngayong linggo.

“Even without any construction, traffic is already heavy, what more with this kind of project ahead,” sabi ni MMDA Spokesperson Celine Pialago, tinutukoy ang rail project na magdudulot ng pagsasara ng dalawang lane mula sa center island sa magkabilaang direksiyon sa Commonwealth Avenue.

Pinayuhan naman ni Pialago ang mga maaapektuhang motorista na dumaan sa alternatibong ruta.

“For those going to Fairview, motorists may turn right on University Avenue, Carlos P. Garcia, Lakan Street, Tandang Sora Avenue, Congressional Extension, and Luzon Avenue,” pahayag ni Pialago.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“For those going to Quezon City Memorial Circle, motorists may turn right on Luzon Avenue, Congressional Extension, Tandang Sora Avenue and Central Avenue,” aniya pa.

Samantala, sinabi naman ni Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) head Tim Orbos na 300 katao ang mabibigyan ng trabaho para manduhan ang trapiko sa pinakamalapad na kalsada sa Metro Manila, na mayroong pitong lane sa bawat direksiyon.

Kapag natapos na, ang 22.8-kilometrong MRT-7 ay magbibigay-serbisyo sa 14 na istasyon at bibiyahe mula sa North Avenue Quezon City hanggang San Jose Del Monte, Bulacan. - Anna Liza Villas-Alavaren