NI: Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Nasangkot sa isang aksidente ang mga miyembro ng Philippine squash team dahilan para kanselahin ng organizers ang nakatakda nilang laro kahapon sa 29th Southeast Asian Games.

Wala namang atletang Pinoy ang nasaktan sa naturang insidente at ayon kay Dr. Charles Corpuz, head ng Philippine medical team, na binigyan lamang niya ng pain reliever ang mga nasangkot na atleta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I checked them for possible whiplash, but they’re okay naman,” pahayag ni Corpuz.

Nabangga ng humaharurot na bus, sakay ang mga atleta mula sa Myanmar at Thailand, ang bus na lulan ang walong miyembro ng Philippine Team.

Nayupi ang unahang bahagi at nabasag ang windshield ng bus na sinasakyan ng mga dayuhan. Ayon kay Corpuz, mabilis na nilapatan ng lunas ang mga sugat na tinamo n g mga atleta mula sa Myanmar.

Maayos namang nakarating sa venue ang mga atleta, ngunit ipinagbigay alam ng organizers na itinigil pansamantala ang kanilang laro.