ni Mary Ann Santiago

Nasa 200 batang lansangan at 100 bilanggo sa Integrated Jail ng Manila Police District (MPD) ang nakinabang sa ikalawang feeding mission ng MPD Press Corps sa headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Maynila, nitong Sabado ng umaga.

Ang naturang programa, na isinagawa ganap na 8:00 ng umaga, ay inilunsad ng mga mamamahayag ng MPDPC, sa pangunguna ng pangulo nitong si Mer Layson.

Bukod sa masarap na arrozcaldo, namigay din ng may 1,000 nilagang itlog ang MPDPC, na donasyon ni Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Rep. Rico Geron; nasa 250 soya products mula sa KKK Enterprise; mga cupcake, tinapay at juice na donasyon naman nina MPDPC Treasurer Jonah Mallari at MPDPC Directors Jun Mabanag at Brian Bilasano.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Namahagi rin ng mga gamot sa ubo, na mula naman sa kabutihang loob ni Jerry Yap, national chairman ng Alab ng Mamamahayag (ALAM).

Layunin din ng MPDPC na makatulong sa mga magmamanok sa bansa sa pamamagitan ng pagkain ng poultry products, sa kabila ng bird flu outbreak sa bayan ng San Luis sa Pampanga, at sa dalawang bayan sa Nueva Ecija.