ni Reggee Bonoan

NAPANOOD namin ang Bar Boys na nasa ikatlong puwesto ngayon sa Pista ng Pelikulang Pilipino, mula sa panulat at direksiyon ni Kip Oebanda na isa pang millennial director.

Nagustuhan namin ang kabuuan ng pelikula na tungkol sa friendship na kahit nagkakaroon ng away ay hindi nila iniiwan ang bawat isa sa oras ng pangangailangan.

Magkakaibigan sina Kean Cipriano, Enzo Pineda, Rocco Nacino at Carlo Aquino na magkakasama at nagtutulungan sa hirap at ginhawa, pero nang pumasok na sila sa law school ay hindi pumasa ang una kaya naiba ang takbo ng buhay niya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

Matalino at masipag mag-aral si Enzo na masyadong pressured sa tatay na naroroon sa Amerika pinasusunod na siya para doon na mag-aral at magkasama na sila, pero ayaw ng binata. Dahil bukod sa mas gusto niyang tumira’t mag-aral sa Pilipinas ay hindi niya maiwan ang girlfriend niyang si Anna Luna na hindi man matalino ay mabait at inuunawa siya.

Well-loved naman ng pamilya si Rocco at matibay ang support system sa kanya kaya wala siyang problema at kahit peteks lang o happy go lucky siya ay palagi siyang pasado sa lahat ng exams.

Pinakamahirap sa lahat si Carlo na iginagapang ang pag-aaral ng amang security guard pero kahit sinasabi na ng binata na hihinto na siya sa abogasya ay ayaw pumayag. Average student lang ang aktor sa klase kaya lagi siyang nasisita ng professor kapag mali ang sagot sa oral exam.

Bagamat marami na ang nakapanood ng Bar Boys ay hindi pa rin namin ikukuwento ang kabuuan para ma-excite pa rin ang ibang manonood pa lang.

Anyway, maganda ang tindig ni Enzo, malinis manamit at pumorma kaya ito ang bentahe niya sa Bar Boys na kinakikiligan ng mga katabi naming girls na nanood.

Lalaking-lalaki naman ang porma ni Rocco at ordinary ang itsura, narinig naming komento ng girls, “sana nagpa-facial man lang siya, ang dumi ng face.”

Samantalang si Carlo ang pinakamaliit sa kanilang tatlo, pero ang kinis ng mukha at nago-glow, mukhang bagong facial, ha-ha-ha.

Si Kean, walang bago sa itsura, haragan pa rin, pati acting, walang level-up, e, kasi naman konti lang din ang exposure niya sa pelikula dahil hindi siya pumasa sa law school. Pero sikat naman siya sa pinasok niyang propesyon, ang pag-aartista.

Bago lang si Enzo sa ABS-CBN galing GMA-7 kaya hindi pa siya nabibigyan ng lead role pero napapansin na rin siya sa Pusong Ligaw bilang adopted son ni Beauty Gonzales na si Rafael lalo na nu’ng magkaroon siya ng eksena sa kontrabidang si Bianca King.

Hindi na kami nanibago sa acting ni Carlo dahil sanay na kami at mas lalo pa siyang humuhusay sa mga eksena niya sa The Better Half na umeere ngayon sa ABS-CBN pagkatapos ng Pusong Ligaw.

Hmm si Rocco naman ay minsan lang namin nainterbyu, nurse by profession at nagustuhan namin dahil diretsong sumagot sa mga tanong at hindi showbiz. Ex-boyfriend pala siya ni Lovi Poe.

Natural ang acting ni Rocco at naniniwala kaming mas lalo pa siyang gagaling kapag nabigyan ng magagandang projects at hindi malayong magkaroon siya ng award.

Sa mga hindi pa nakapanood ng Bar Boys, habulin n’yo pa sa mga sinehan sulit din ang ibinayad ninyo.