Ni JIMI ESCALA

KAPWA isinusulong upang maging National Artist sina Vilma Santos at Nora Aunor. Sila ang mahigpit na magkalaban hanggang sa pagiging National Artist.

Vilma copy copy

Pareho silang may karapatan para sa naturang karangalan dahil sa mga tambak-tambak nang achievement at kontribusyon nila sa lokal na aliwan.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Pero, in fairness, mas nakakaangat na ang Star for All Seasons. Sa totoo lang, walang kapanabayang aktres na makakalampas sa achievements ni Ate Vi.

Sabi nga sa amin ng isang beteranang manunulat na itinuturing ding haligi sa industriya, walang aktres na makaka-duplicate sa mga naabot ni Ate Vi at bukod pa ang mga nagawa rin niya bilang mayor, gobernador at ngayon nga ay bilang mambabatas.

“Nagkaroon man ng sigalot at problema si Ate Vi sa propesyon niya noon ay nalampasan na niyang lahat ‘yun at isa siya sa tinitingalang bituin ng industriya at iniidolo ng halos karamihan sa mga taga-showbiz,” sey ng kausap namin.

“Super deserving kasi si Ate Vi. Wala tayong nabalitaang nalulong siya sa droga, nagbabad sa casino, at sa totoo lang naman, sa naabot na kasikatan ngayon ni Ate Vi at maging sa personal niyang buhay, eh, mga biyaya ‘yun ng Itaas dahil isa siyang huwaran,” sey pa ng kausap namin.

Samantala, magkasabay na gagawaran ng 2017 PMPC Star Awards for Movies sina Ate Vi at Nora ng Ginintuang Bituin sa September 3 at silang dalawa pa rin ang mahigpit na magkakalaban sa best actress category.