Nanawagan si Senador Leila de lima na ipatupad ng Department of Transportation (DOTr) ang Road Speed Limiter Act, na nagtatakda ng tamang bilis ng mga sasakyan para makaiwas sa aksidente.

“Road accidents can be significantly reduced, if not at all prevented, if speed limiters have been installed on vehicles plying along national roads that have high volume of pedestrians, such as schools and market areas,” sambit ni de Lima.

Nababahala rin ang senadora sa kawalan, aniya, ng aksiyon ng DOTr na ilabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas.

Inoobliga ng batas ang pagkakabit ng “device” sa mga sasakyan, cargo trailer, tanker truck, shuttle buse, at mga pampublikong sasakyan, bagamat hindi kasama ang mga taxi, tricycle at jeep. -Leonel M. Abasola
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'