Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Admimistration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) na inaasahang papasok sa bansa at posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras.

Inihayag kahapon ng PAGASA na malaki ang posibilidad na maging isang ganap na bagyo ang LPA na huling namataan sa layong 1,475 kilometro sa hilaga-silangan ng Luzon.

Kapag tuluyang nakapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) at naging bagyo ay tatawagin itong ‘Isang’, ayon sa ahensiya.

Sa taya ng PAGASA, kikilos ang bagyo pakanluran-hilagang kanluran sa dulo ng Luzon at paiigtingin ang habagat. - Rommel P. Tabbad
Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?