TIYAK na natatandaan pa ng sinumang lalaki na lumaki noong ’80s si Kelly LeBrock. Sinimulan ng model ang kanyang acting career kasabay ni Gene Wilder sa The Lady in Red, at gumanap bilang superhuman robot sa teen flick na Weird Science, at napanood din bilang asawa ni Steven Seagal sa Hard to Kill.

Naging mag-asawa sina LeBrock at Seagal sa loob ng siyam na taon bago naghiwalay noong 1996 at mayroong tatlong anak — sina Annaliza, 30; Dominic, 27; at Arissa, 24. Pagkatapos maghiwalay, iniwan ni LeBrock ang kanyang glamorosong buhay sa Hollywood.

Kelly LeBrock
Kelly LeBrock
Aniya sa Closer Weekly: “I decided to quit Hollywood to raise my babies away from the limelight. I didn’t want them looking into any of the negative aspects of my divorce (kay Steven). So I ran for the hills, and I’ve basically been living in the wilderness (ng Southern California) with no TV for 24 years!”

Bagamat namumuhay na malayo sa showbiz, bumalik ang aktres sa spotlight sa paglabas sa upcoming reality show na Growing Up Supermodel ng Lifetime na magpapakita ng karanasan ng kanyang anak na si Arissa bilang plus-size model. - Yahoo Celebrity

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'