KAHIT laging very busy si Marian Rivera, hindi siya tumatanggi kapag may advocacy na inilalapit sa kanya. Tulad ng pagiging advocate ng breastfeeding and women with special need, #Smile Maker din siya na katulong ng Smile Train na nag-oopera ng libre ng mga batang may bingot para maging confident na silang ngumiti. 

MARIAN copy copy

Ngayon, may bago siyang advocacy na ipinost sa Instagram: “Be a SUPERHERO today! Hindi kailangan ng superpowers para makatulong sa iba. Kailangan lamang ng tamang impormasyon, puso at pagpapahalaga sa kapwa. Help us build a super nation and send these YPF Go Bags to children in disaster-prone schools and communities. These hooded backpacks with emergeny kits are also available for individual buyers. Visit @yespinoy and @iamsuperph or email [email protected] to help. #IamSuper.”

Nakakatuwa na kahit one day pa lamang ang post ni Marian ng panawagan para makatulong sa mga nangangailangan, lalo na ng mga mag-aaral sa malalayong lugar, marami na kaagad ang nag-respond at ang iba ay mga kababayan natin sa iba’t ibang bansa. 

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sumagot na rin ang @yespinoy sa inquiries kung magkano ang presyo ng bawat bag at sila na rin ang magdedeliber sa lugar na gusto nilang pagbigyan.

Nagpasalamat ang netizens sa pagtulong ni Marian sa advocacy rin ng asawang si Dingdong Dantes tulad nga ng @yespinoy.

Tuluy-tuloy na ang taping ni Marian ng Super Ma’am na mapapanood na sa third week ng September. Sunud-sunod din ang pagri-renew niya ng mga endorsements niya at taping ng Tadhana, ang docu-drama ng ating OFWs na napapanood every Saturday, after ng Ika-6 Na Utos.