Ni: PNA

SINIMULAN na ng Department of Health nitong Biyernes ang preparasyon sa pagpapadala ng mga health team sa mga munisipalidad ng Jaen at San Isidro sa Nueva Ecija kung saan nakumpirma ang pagkamatay ng mga manok dahil sa bird flu virus.

“The DoH team in Pampanga, as a contingency measure, was already assembling a team that will be deployed immediately to these farms (in Nueva Ecija),” sinabi ng tagapagsalita ng kagawaran na si Dr. Eric Tayag sa isang panayam.

Bilang paghahanda, ayon kay Tayag, ang mga gamot na gaya ng Tamiflu (Oseltamivir), ay ipadadala rin sa probinsiya, at ipamimigay sa mga manggagawa sa mga poultry farm bilang prophylactic drug, na magbibigay ng proteksiyon sa mga ito mula sa pagkakahawa sa avian flu.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Siniguro niya na ang health department, na naghahanda na simula pa noong 1997 sa pagkalat ng bird flu, ay may nakaimbak nang 800,000 kapsula ng Tamiflu, na sapat nang magamit para sa mga biglaang kaso.

Wala pang naiuulat na kaso ng pagkakahawa ng bird flu sa tao.

“We continue our monitoring and so far, it (bird flu) remains an animal health problem,” dagdag pa niya.

Samantala, sinabi rin ni Tayag na ang mga nalalantad lamang sa mga manok ang maisasalalim sa obserbasyon.

Ang mga taong may direktang contact sa mga kontaminadong manok, gaya ng mga nangangalaga, nagkakatay, nagtatanggal ng balahibo, naglilinis ng kulungan ng manok, at mga taong malapit sa mga poultry farm ang malaki ang tsansang mahawahan ng virus.

Ang virus, na matatagpuan sa mga balahibo, dugo, laway, bituka at dumi ng manok, ay maaaring pumasok sa mata, ilong at bibig ng tao.

Siniguro naman ni Tayag na malaki ang pag-asang makaligtas ang mga pasyenteng mahahawahan, lalo na kung maagang matutukoy at magagamot.