Dumistansiya ang dalawang top contenders para sa pinakamataas na posisyon sa Philippine National Police (PNP) sa mga espekulasyon ng posibleng maagang pagreretiro ni Director General Ronald dela Rosa.

Sinabi ni Deputy Director General Ramon Apolinario, deputy chief for Administration, na kuntento siya sa pamumuno ni Dela Rosa at ang mga usap-usapan na posible niya itong palitan ay hindi naaangkop.

Kumakalat ang mga usap-usapan sa Camp Crame na posibleng mapaaga ang pagreretiro ni Dela Rosa upang bigyang-daan ang susunod na PNP chief, at ang isa sa mga pangalang lumulutang ay si Apolinario.

Pero itinanggi ito ni Dela Rosa na nagsabing tanging si Pangulong Duterte lamang ang makapagdedesisyon kung magpapatuloy o titigil na ang kanyang tour of duty.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayaw ring magkomento ni Director Oscar Albayalde, hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), tungkol sa isyu ng maagang pagreretiro ni Dela Rosa.

Magreretiro si Dela Rosa sa Enero 2018, samantalang si Albayalde ay mananatili pa sa serbisyo hanggang 2019. Sa Agosto 2018 naman nakatakdang magretiro si Apolinario. - Aaron B. Recuenco