Ni LITO T. MAÑAGO

NATAPOS na ang Cinemalaya 2017 at naipalabas na rin ang pinagbibidahang indie film ni Cong. Alfred Vargas na Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa ng Alternative Vision.

Balik-Kongreso na ulit si Cong. Alfred pagkatapos ng gala premiere ng pelikula sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) a few weeks ago.

Alfred Vargas
Alfred Vargas
“Priority naman natin lagi, eh, ‘yung public service. Ito talaga ‘yung trabaho natin. Kumbaga, kung may extra time ako saka lang ako tatanggap ng trabaho sa showbiz,” sambit ng Quezon City 5th District representative.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Masaya si Cong. Alfred na naging flatform ang Cinemalaya para maiparating niya ang kakulangan ng gobyerno sa pagtugon sa edukasyon sa bansa.

Hindi rin daw nagtatapos sa Cinemalaya ang adbokasiya niya sa edukasyon para sa nasasakupang distrito.

“Tuloy ang trabaho, tuloy pa rin ang serbisyo kahit anong mangyari. Priority ko talaga ‘to and natutuwa lang ako dahil naging venue ‘yung Cinemalaya para makapag-advocate ng education. Para sa akin, du’n pa lang quota na. Kumbaga, mabigyan ka ng chance na makapag-acting and at the same time makapag-advocate, sa akin, jackpot na ako roon. Happy na rin ako,” salaysay ng Dekada Awardee ng Golden Screen Awards.

Kung may pagkakataon, sisikapin pa rin ng lawmaker na tumanggap ng TV project lalo na’t na-miss din niyang umarte sa harap ng kamera. He was last seen in Encantadia ng GMA Network.

“Sobra! Kahit busy sa work sa Congress, puwede naman. Nami-miss ko ‘yung mga tao sa set, ‘yung mga katrabaho,” lahat ng actor-turned-politician.

“Meron namang offer ‘yung GMA-7 at kapag natapos na ‘yung budget season baka gumawa ako ng isang telenovela. Sa Encantadia, nag-guest lang din ako roon. Pero itong bagong offer, kasama ako from start to finish.”

Balak pa rin niyang mag-produce ng pelikula. Inspirado siya sa kinita ng Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

“Grabe, ‘no? Nakaka-inspire! Kaya gusto kong i-congratulate sina Alessandra at Empoy. Ang galing nila,” wika ng kongresista.

“Sabi ko naman sa sarili ko, andiyan ‘yung mga negosyo ko ‘tapos nakakapag-public service naman ako. Sabi ko, gagawa na lang ako ng project na gusto ko. Hindi na katulad nu’ng dati na showbiz talaga ‘yung main job ko na kahit na anong project tatanggapin mo kasi ‘yun ang livelihood mo. Ngayon andito na ako sa point in my career na I’ll only accept project na I really want. Not for the money but for the passion,” wika pa ng actor/politician.