Nina BELLA GAMOTEA at BETH CAMIA

Mariing itinanggi nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director Oscar Albayalde at Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr. ang akusasyon ng isang small town lottery (STL) company na protektor sila ng jueteng operations sa Metro Manila.

Bukod kina Albayalde at Apolinario, inakusahan din ng Happy Cool Games and Amusement Corporation na jueteng protector ang mga chief of police (COP) sa SPD; kabilang sina Taguig City Police chiefs, Sr. Supt. Alexander Santos, Makati City Sr. Supt. Gerardo Umayao, Pasay City Sr. Supt. Dionisio Bartolome, Parañaque City Sr. Supt. Jemar Modequillo, Muntinlupa City Sr. Supt. Dante Novicio, Las Piñas City Sr. Supt. Marion Balonglong, at Pateros Sr. Supt. Julius Coyme.

Nag-ugat ang paratang kasunod ng pagsalakay ng mga pulis sa isang STL station, na isa umanong uri ng pangha-harass dahil accredited ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), noong Agosto 7.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“All arrests made by SPD Police Stations were inquested and accepted by the inquest Fiscal,” pahayag ni Apolinario.

Sa panig ni Albayalde, handa umano siyang magbitiw sa puwesto sa oras na mapatunayang protektor siya ng jueteng operations sa Metro Manila.

Iginiit niya na walang basehan ang akusasyon at hinamon ang kumpanya na patunayan ang akusasyon.

Samantala, sumulat na ang nasabing STL company sa PCSO at sa tanggapan ni Philippine National Police Chief, Director General Ronald dela Rosa upang humirit ng imbestigasyon sa insidente at sibakin ang mga opisyal ng PNP na umano’y jeuteng protector.