UNITED STATES (Reuters) – Nagbitiw nitong Biyernes bilang special adviser ni United States President Donald Trump ang bilyonaryong investor na si Carl Icahn, matapos maharap sa kritisismo na ang kanyang mga inirerekomendang polisiya ay maaaring makatulong sa kanyang mga saliring investment.

Pinagtalunan ng ilang demokratikong mambabatas at mga biofuels advocate na ang paggabay ni Icahn sa Republican administration ay lumikha ng conflict of interest sa kanyang negosyo, kabilang ang oil refining company CVR Energy Inc. Itinanggi naman ito ni Icahn.

Sinundan ng pagbibitiw ni Icahn ang ilang pagbabago sa White House. Tinanggal ni Trump nitong Biyernes ang kanyang chief strategist na si Stephen Bannon, dalawang araw matapos buwagin ang dalawang high-profile business advisory group.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'