Ni: Bella Gamotea

Isa umanong tulak at miyembro ng ‘Akyat Bahay’ gang ang binaril at napatay ng armado sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Taguig-Pateros District Hospital si Gerry Palomata, alyas Komang, 29, ng No. 7 Pag-asa Street, Barangay Katuparan ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Police Community Precinct (PCP) 4 ng Taguig City Police, naganap ang insidente sa Sampaloc Extension, Bgy. North Signal, Taguig.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

Nakatambay ang biktima sa lugar nang sumulpot ang suspek at makailang beses binaril sa katawan si Palomata.

Sa imbestigasyon, bukod umano sa pagtutulak ay sangkot din umano si Palomata sa serye ng nakawan sa kanilang barangay at iba pang lugar sa Taguig.