BAGITO, ngunit moog ang kumpiyansa ni Letran rookie Enoch Valdez na nagdala sa Squires sa 93-87 panalo kontra Lyceum Junior Pirates kahapon sa NCAA Season 93 juniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Hataw si Valdez sa career-high 30 puntos at 17 rebounds para sandigan ang Squires sa 5-4 karta.

“Nagpapasalamat ako sa mga tumutulong sa akin sa team. Hindi ko naman magagawa iyon (makascore ng 30 points) kung hindi sa mga teammates ko na laging nagsasabi sa akin kung ano gagawin ko, lalo na sa depensa. Iyong opensa naman kusang dumadating ‘yan kaya ginagawa ko lang ‘yung trabaho ko,” pahayag ni Valdez, dating miyembro ng Lyceum University-Dagupan.

“Ang sabi ni coach sa akin ‘bawi ka’ kasi hindi pa ako nakakalaro against Lyceum. Sabi niya ‘gawin mo lang trabaho mo, rebound ka lang at dumepensa’ kaya ginagawa ko naman. Iyong mga points ko naman galing lang sa mga putback-putback, iyong mga tira ng kasama ko kinukuha ko lang,” aniya.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mula sa dikit na 48-45 iskor, humaribas ang Letran para mapalobo ang bentahe sa 11 puntos, 68-57, sa kalagitnaan ng laro..

Nanguna si McLaude Guadana sa Lyceum na may 18 puntos.

Sunod na makakaharap ng Letran ang defending champions Malayan Red Robins (6-1) sa Martes.

Iskor:

CSJL (93)- Valdez 30, Monje 20, Guarino 9, Tolentino 8, Reyson 7, Aniban 6, Ganapathy 5, Peralta 4, Tamayo 4, Cordero 0, Montes 0, Labrador 0, Fuentes 0, Culanjay 0, Tabajen 0.

LPU (87)- Guadana 18, Barba 15, De Leon 12, Salazar 12, Ruiz 11, Manuel 7, Jungco 4, Cunanan 3, Sandoval 3, Caringal 2, Umpad 0, Ortiz 0.

Quarters: 21-25, 48-45, 68-57, 93-87