Ni: Mary Ann Santiago

Inamin kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na pinag-iisipan na niyang magbitiw sa puwesto kasunod ng akusasyon sa kanya ng sariling asawa na nagkamal siya ng P1 bilyon nakaw na yaman simula nang maglingkod sa pamahalaan.

Sa idinaos na Election Congress sa Malolos, Bulacan, sinabi ni Bautista na masusi niyang pinag-iisipan, pinag-aaralan at ipinagdarasal kung ano ang dapat niyang gawin.

"We’re considering various options, pero pinag-iisipan, pinag-aaralan, at ‘pinagdadasal natin. I think this is part of the process," ani Bautista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagpasalamat din siya sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya sa gitna ng kontrobersiya na kanyang kinakaharap, partikular na ang mga empleyado ng Comelec.

Nauna rito, matatandaang inakusahan si Bautista ng asawang si Patricia na mayroon umanong P1-bilyon ill-gotten wealth.

Pinabulaanan naman ni Bautista ang mga akusasyon at sinabing bahagi lamang ito ng pagtatangka ng dating asawa na huthutan siya ng salapi.