Ni: Bert de Guzman
Isinusulong sa Kamara ang pagtatatag ng isang Drug Price Regulatory Board (DPRB) na layuning tulungan ang mga Pilipino, partikular ang mahihirap, na makabili ng murang gamot.
“From the bitterness of disease, man learns the sweetness of health,” ayon kay Iloilo Rep. Ferdinal Biron, chairman ng House committee on trade and industry, sa pagtataguyod ng House Bill 3252, tungkol sa DPRB.