Ni: PNA
MATAPOS makapagtala ng 6.5-porsiyentong pag-angat sa gross domestic product (GDP) sa ikalawang bahagdan ng taon, inaasahang magtutuluy-tuloy ang mabilis na pag-alagwa ng ekonomiya ng Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng 2017.
Ayon kay IHS Markit Asia Pacific Chief Economist Rajiv Biswas, nananatili ang pagtaya ng kanyang grupo na lolobo ng 6.4 na porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2017, at 6.3 porsiyento naman sa 2018.
“Over the next 12 months, the GDP growth outlook will be supported by significant increases in infrastructure spending, with total infrastructure spending of PHP1.13 trillion targeted for 2018, with transport and social infrastructure being key priorities,” sabi ni Biswas.
“Improving infrastructure is very important for boosting the nation’s industrial and export competitiveness, as the Philippines is competing for foreign direct investment with other ASEAN countries like Malaysia, Thailand and Singapore which have invested heavily in high quality infrastructure,” dagdag pa niya.
Gayundin, sinabi ni Philippine Exporters Confederation (Philexport) President Sergio Ortiz-Luis sa isang panayam sa telepono na ang programa sa imprastruktura ng administrasyong Duterte ay magiging pangunahing dahilan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na buwan.
Gayunman, sinabi ni Ortiz-Luis na “quite disappointed” siya sa 6.5-porsiyentong pagsulong ng ekonomiya sa ikalawang bahagdan ng 2017, dahil inaasahan ng kanyang grupo na aabot sa antas ng pitong porsiyento ang maitatalang pag-angat ng GDP ng bansa sa ikalawang quarter ng taon.
“The numbers are leading to higher growth, about 7.0 percent or even higher. Although slightly disappointing, 6.5-percent is still a big growth,” paliwanag niya.
Aniya, bagamat nasimulan na ang ilang proyektong imprastruktura, hindi pa naitotodo ng mga investor ang kanilang pamumuhunan sa mga proyekto.
“We expect their investments to come in in the next quarters pulling our growth to higher numbers,” sabi ni Ortiz-Luis.
Gayundin, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay natukoy na kabilang sa mga pangunahing sektor na nakapag-ambag sa 6.5-porsiyentong pagtaas ng GDP sa nakalipas na manufacturing, na tumaas ng 7.3 porsiyento; agrikultura, na tumaas ng 6.3 porsiyento; at mga serbisyo, na tumaas ng 6.1 porsiyento.
“However the rapid pace of growth of domestic demand has driven strong growth in imports, which has resulted in some deterioration of the current account, which is expected to record a small deficit in 2017. This has contributed to some depreciation of the peso, with a risk of further peso depreciation against the US dollar during the remainder of 2017,” sabi pa ni Biswas.