Ni: Reggee Bonoan
MAY naamoy kaming tsika tungkol sa baguhang direktor ng isa sa mga entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino na hindi raw masyadong apektado kung kumita man o hindi ang pelikula dahil naibenta na niya ito sa producer.
Kaya ang bumiling producer ang namumublema at gumagawa ng paraan ngayon para mabawi ang milyones na ipinabili niya sa naturang pelikula.
Nag-imbestiga kami sa mga sinehan at sad to say, mahinang-mahina ang pelikula kaya hindi na kami magtataka kung hindi na ito palabas sa mga susunod na araw.
Bukod sa milyones na pagkakabenta ng baguhang direktor ay marami siyang natanggap na grants mula sa iba’t ibang film festivals na sinalihan niya, kaya naman sa isang bansang dinaluhan ng nasabing direktor ay isinama niya ang buong cast ng pelikula niya na sagot niya ang gastos.
Sabi ng aming source, “Akala natin ay baguhan pa lang sa industriya si _____ (direktor), hindi na, alam na niya ang kalakaran.”
‘Yun na!