PINATAWAN ng Philippine Racing Commission (Philracom) ng tig-isang taong suspensiyon sina race jockey Jerome Albert Saulog, Dahlwill D. Pagar at Maximillian Pichay bunsod ng maanumalyang diskarte sa nilahukang karera nitong Hulyo.

“This is for the protection of betting public,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

sanchez copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“As a new member of the IFHA (International Federation of Horseracing Authorities), the Philracom wants to make sure that horseracing in the Philippines is held at the highest level.”

Naunang pinatawan si Saulog ng 72-racing day suspension ng Manila Jockey Club Inc.’s Board of Stewards bunsod ng kwestyunableng hirit dala ang Fly Like an Eagle noong Hulyo 22 sa MJC’s San Lazaro Leisure Park.

Sa ginawang ‘reviewed’ sa naturang desisyon nitong Agosto 9, nakita ng Philracom na lumabag si Saulog sa ‘Rules and Regulations of Horse Racing PR 76.QQ’ kung saan nakasaad na “For deliberately losing the race either by easing, pulling and/or stopping his mount without any justifiable reason at any point in the race, wherein the Board of Stewards determines that the horse still has a chance of winning the race: One-year suspension and the horse shall be elevated to the next higher group.”

Ayon sa Philracom, ang hindi pagpalo ni Saulog sa Fly Like an Eagle sa krusyal na bahagi ng karera ay isang patunay na intensyon niyang matalo sa karera. Sumegunda lamang ang kabayo ni Saulog sa naturang karera.

Nauna namang naibaba ang 36-racing day suspension kay Jockey Pagar matapos ang inisyal na imbestigasyon ng MJCI-BOS sa kanyang ratsada sakay ng Caravaggio noong Hulyo 12 race sa San Lazaro Leisure Park.

Ibinatay ng Philracom ang desisyon na hilahin ang suspensiyon sa isang taon nang aminin ni Pagar na wala siyang intensyon na ipanalao ang Caravaggio.

Sakay din ng kabayong Caravaggio si Pichay nang kwestyunin sa kanyang karera noong Hulyo 7 sa Lazaro Leisure Park.

Napatunayan na nalabag niya ang PR 76.QQ) nang itratsada ang kabayo sa maagang pagkakataon.

“Jockeys should be reminded of their crucial role in the racing industry. As one of the stakeholders and main players, the performance of the jockeys should be beyond reproach and free from any doubt to protect the horseracing industry,” pahayag ni Sanchez.