Ni: Light A. Nolasco
BALER, Aurora - Makararanas ng hanggang 11 oras na brownout sa ilang bahagi ng Nueva Ecija at Aurora sa Miyerkules, Agosto 30.
Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) Central Luzon Corporate Communication& Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal, mawawalan ng kuryente ang mga consumer ng NEECO II-Area 1, NEECO II-Area 2, at AURELCO simula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Maaapektuhan ang mga bayan ng Talavera, Gen. Natividad, at Bongabon sa Nueva Ecija; at ang Dingalan, San Luis, Ma. Aurora, Baler at Dipaculao sa Aurora.
Bibigyang-daan ng brownout ang mga linyang nasira sa pagkidlat nitong Agosto 10, bukod pa sa papalitan ang mga bulok nang poste sa Cabanatuan Substation.