Ni: Mary Ann Santiago

Ang tuberculosis (TB) pa rin ang nangungunang sakit ng mga Pilipino, iniulat ng Department of Health (DOH).

Batay sa resulta ng 2016 National Tuberculosis (TB) Prevalence Survey, nasa 554 kada 100,000 populasyon sa bansa ang may sakit na TB at karamihan ay hindi alam na taglay nila ito. Malaki ang itinaas ng datos sa tala ng World Health Organization (WHO) noong 2015 na 322 kada 100,000 populasyon ang may TB.

“The results of the TB survey are sobering - putting the Philippines amongst the most affected countries globally,” pahayag ni Dr. Gundo Weiler, kinatawan ng WHO sa Pilipinas.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Aniya, kailangan ang agaran at mabisang aksyon ng DOH at kooperasyon ng publiko, partikular ang mga apektadong mamamayan, upang hindi mauwi sa “national epidemic” ang sitwasyon ng TB sa bansa.

Ipinahayag ni Health Secretary Paulyn Ubial na magpatupad ang DOH ng tatlong hakbang upang malabanan ang TB, kabilang ang pagtukoy sa mga lugar na may pinakamaraming kaso; pagpapadali ng TB treatment sa mga maralita; at pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga pasyente.