Ni: Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Kinasuhan ang isang lalaki matapos na tangkain umano nitong magpasok ng sachet ng shabu sa loob ng provincial jail sa pamamagitan ng pagsisilid ng droga sa kaha ng sigarilyo.

Sa ulat kahapon ng Lingayen Police, dakong 11:35 ng umaga nitong Miyerkules nang dumating sa piitan si Invensor Agpoon, alyas “Soy”, 39, ng Barangay Dorongan, Lingayen, para dalhin ang isang kaha ng sigarilyo sa bilanggong si Marlon De Guzman, na akusado sa droga.

Habang iniinspeksiyon ay nakita sa kaha ang isang maliit na transparent sachet ng shabu, dalawang nakatuping aluminum foil, at ilang stick ng sigarilyo.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Gayunman, nagawang makatakas ni Agpoon, na nabatid na kalalaya lamang sa piitan.