Ni: Jun Fabon

Umarangkada na kahapon ang klase sa driver’s academy ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), at 50 bus driver ang sumalang sa retraining sa road safety, batas trapiko at grooming.

Nabatid na obligado na ang mga tsuper na sumailalim sa academy para sa aplikasyon ng trabaho sa mga public utility vehicles (PUVs).

Una rito ay inobliga ng LTFRB ang lahat ng public utility drivers o mga driver ng bus, jeep, taxi at TNVS na sumailalim sa isang araw na retraining program.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'